Pages

Friday, June 14, 2013

Comelec Aklan, naging abala sa huling araw ng pangtanggap ng statement of expenditures ng mga tumakbong kandidato

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Naging abala kahapon ang Comelec Aklan sa pagtanggap ng mga isinumiting statement of expenditures ng mga kumandidato nitong nakaraang midterm elections.

Ayon kay Kalibo Acting Comelec Chairman Getulio M. Esto, marami umano sa mga kandidatong ito ang nagsumite ng kanilang statement of expenditures o kabuuang mga ginastos noong panahon ng pangangampanya.

Ngunit hindi rin umano naging madali para sa mga kandidato ang anim na pirasong papel na kanilang pipil-apan, dahil maaari itong maimbalido at hindi rin tanggapin ng Comelec.

Dagdag pa na kailangan din nilang humabol sa pila, dahil sarado na ang order ng Comelec sa ibinigay nilang tatlumpung araw.

Dahil dito, mumultahan umano at maaaring hindi makakaupo sa pwesto ang sinumang kandidatong hindi sumunod sa nasabing batas.

Nabatid na sa darating na Hunyo a-trenta naman gaganapin ang oath taking ng mga nanalong kandidato at sisimulang manunungkulan sa mga mamamayan sa Hulyo a uno.

No comments:

Post a Comment