Pages

Thursday, June 13, 2013

Aklan Governor Carlito Marquez, nagpatawag ng special meeting para sa Task Force Bantay Boracay

Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay 

Isang special meeting para sa Task Force Bantay Boracay ang ipinatawag ngayon ni Aklan Governor Carlito Marquez.

Ito ang kinumpirma mismo ni Task Force Bantay Boracay member Liberty Wacan mula sa kanilang provincial office.

Nabatid na nakatakdang pag-usapan sa nasabing pagpupulong ay ang update report ng Philippine Coastguard kaugnay sa Maritime Industry o MARINA Authority Laws and Rules, implementasyon ng “One Entry-One Exit Policy”, at iligal na pagkakarga ng pasahero sa Station 1 at 3 ng mga bangkang bumibiyahe papuntang Romblon.

Tampok din sa pagpupulong mamaya ay update report ng BIWC o Boracay Island Water Company, at ang mainit na usapin kaugnay sa demolition ng mga illegal structures sa 25+5-meter buffer zone ng Boracay.

Kasalukuyang ginaganap ang special meeting sa Provincial Governor’s Office sa bayan ng Kalibo, Aklan na nag-umpisa kaninang alas-2:00 ng hapon.

Ilan sa mga miyembro ng nasabing Task Force ay ang Provincial Tourism Council, MARINA regional office, CENRO DENR, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, LGU Malay at iba pa.

No comments:

Post a Comment