Walang dapat ikabahala ang mga beneficiary ng 4Ps sa Aklan
na baka matanggal o kunin sa listahan ang mga ito.
Sapagkat ayon kay Cristina Tersina, Provincial Operation
Officer (POO) ng Pantawid Pamilya Pilipino Programa o 4Ps, hindi dapat mabahala
itong mga beneficiary, dahil hindi pwedeng gawing panakot ng sinumang mga
pulitiko na tatangalin sa listahan ang
kanilang pangalan, lalo na ang mga pamilya na hindi bumoto sa kanila.
Paliwanag ni Tersina, dumaan sa proseso ang mga beneficiary
na ito at nasa sistema na nila at naitala na rin, kung kaya’t wala umanong sinumang
makakatanggal sa mga ito sa listahan.
Maliban na lamang aniya kung ang isang beneficiary ay mapatunayan
na hindi pala kwalipikado na tumangap at mapasama sa programang ito.
Ganon din kung hindi na-comply ang mga hinihingi ng
programang 4Ps.
Nabatid naman mula sa POO na may 26, 275 na 4Ps beneficiary sa
Aklan sa 17 bayan.
Ang 4Ps ay nasyonal na programa ng administrasyon para sa
mga kapos palad na Pilipino.
No comments:
Post a Comment