Pages

Sunday, May 12, 2013

Kuryente para sa Malay at Boracay, wala ng back-up?

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Kung malalampasan na walang brown out sa Aklan ngayong eleksiyon para hindi ma-antala ang halalan sa Lunes, kapag matapos na ang eleksiyon, saan na kukuha ng suplay ng kuryente para sa Boracay?

Ito ay dahil nagtapos na nitong Setyembre 2012 ang kontrata ng Akelco sa isang independent power producer na Panay Power Corporation o PPC  sa Nabas.

Kaya kung magkaproblema ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang magsisilbing linya ng kuryente papunta sa Aklan na dini-distribute ng Akelco dito sa buong probinsiya ay magkakaproblema na rin ang isla ng Boracay at maging ang buong bayan ng Malay, dahil wala na ang back-up na ito mula sa Nabas.

Sa panayam kay Engr. Joel Martinez ng Akelco, inihayag nitong wala nang iba pang mapagkukunan ng enerhiya sa Aklan na pwedeng makapag-supply dito sa Boracay.

Kung dati ay sa PPC Nabas umano kumukuha ng supply para sa Boracay kapag brown out ang buong probinsya, ngayon ay wala na umano kaya kaniya-kaniyang generator muna ang mga establishemento dito dahil wala ng back-up.

Pero nilinaw ni Martinez na may sapat na supply ng enerhiya ang Aklan.

Subalit ang pag-aamin nito, ang bayan umano ng Kalibo ay maaarin masuplayan pa rin dahil sa may independent power plant naman na pwedeng mag-produce ng enerhiya na siyang pagkukunan ng Akelco para doon.

Inihayag naman ni Matinez na ang bagay na ito ay batid na rin umano ng mga stakeholders sa Boracay.

No comments:

Post a Comment