Pages

Wednesday, May 15, 2013

Mga bagong halal na kandidato sa Malay, iprinoklama na!

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinuno ng masigabong na palakpakan at hiyawan ang loob ng SB Malay Session Hall kahapon ng umaga, ika-14 ng Mayo.

Ito’y matapos iproklama ni mismong COMELEC Malay Chairman Feliciano Barrios Jr. ang mga nanalong kandidato sa bayan ng Malay sa kakatapos lamang na May 13, 2013 Midterm Election.

Pasado alas-5:00 ng umaga nang isa-isang inanunsyo ni Barrios ang mga nanalo na sina Malay Mayor John Yap at Wilbec Gelito na pawang walang katunggali.

Si Yap ay may botong 11, 329 habang si Gelito ay may botong 10, 948.

Samantala, binati naman ng kanyang mga taga-suporta si SB Member Natnat Cawaling-Paderes matapos ihayag ng COMELEC ang kanyang pagiging numero unong SB matapos nitong makakuha ng kabuuang 11, 319 votes.

Sinundan naman ito ni Jupiter Gallenero na may 10, 035 votes, ikatlo si Rowen Aguirre na may 9, 516 votes, pang-apat si Fromy Bautista na may 9,495.

Panglima si Danilo delos Santos na may 8, 659, pang-anim si Leal Gelito na may 8, 554, pangpito si Paterno SacapaƱo Jr., at pangwalo si Manuel delos Reyes na may 7,378.

Ilan sa mga sumaksi sa nasabing proklamasyon ay sina dating Vice Mayor Ceceron Cawaling, ilang mga taga-munisipyo ng Malay, at ilan pang taga-lokal na media.

No comments:

Post a Comment