Pages

Sunday, May 12, 2013

Akelco, pinasigurong walang brown out sa araw ng eleksiyon sa Aklan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Walang brown out sa darating na eleksiyon sa araw ng Lunes hanggang sa matapos ang bilangan.

Kaya ang mga bagay na ito ang mariing pinaghahandaan umano ngayon ng Aklan Electric Cooperative o Akelco para masigurong hindi magkakaroon ng problema sa power supply o kuryente na siyang pangunahing kailangan para mapagana ang PCOS machines na gagamitin sa halalan.

Bunsod nito, ayon kay Akelco Engr. Joel Martinez, ikinasa na nilang ang mga contingency plan nila para dito.

Una aniya, ay nag-deploy na sila ng mga linemen sa bawat bayan para ang mga na ito ang aaksiyon sa anumang problema sa kanilang area na may kinalaman sa kanilang serbisyo.

Maliban dito, hiniling na rin umano nila sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magpadala ng kanilang mga tao sa Andagao at Nabas para tumugon sa suliranin may kaugnayan naman sa daloy ng enerhiya sa transmission line ng kumpaniyang ito.

Iyon ay kapag magka-brown-out man ay aasahang ilang minuto lang aniya ito magtatagal dahil maibabalik agad nila, lalo pa at wala namang problema sa supply, maliban na lamang kung ang linya ang sumablay.

Paglilinaw pa ni Martinez, sakaling magka-problema ang NGCP line mula sa pinagkukunan ng enerhiya, sinabi nito na tanging ang bayan lamang ng Kalibo ang makakaya nilang bigyan ng supply ng kuryente at kukunin nila ito mula isang independent producer sa New Washington.

Habang sa ibang lugar naman sa Aklan ay hindi na umano aabutin dahil hindi sasapat ang enerhiyang ito.

Ganoon pa man, pinasiguro ng “action man” ng Akelco na ginagawa nila ang dapat upang hindi magka-brown out sa araw ng eleksiyon sa Lunes.

No comments:

Post a Comment