Pages

Sunday, May 12, 2013

Mga PCOS machines sa mga polling places sa Malay, 24-oras na babantayan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Simula noong Biyernes, a-10 ng Mayo, ay 24 oras na babantayan na ng mga pulis ang lahat ng polling places sa Malay at Boracay.

Ito ay upang masiguro umano ang kaligtasan ng mga PCOS machines na dinala na sa lahat ng polling precinct dito.

Ayon kay S/Insp. Reynante Jomocan, hepe ng Malay Police Station, simula noong Biyernes hanggang sa matapos ang eleksiyon ay mayroon ng mga nakaantabay ng pulis sa mga polling places dito  gayong din mga tanod umano ng mga barangay.

Nabatid din mula sa opisyal na kahapon ay dumating na rin ang sampung police officers na augment o dagdag pwersa sa awtoridad sa Malay na siyang magbabantay sa darating na halalalan.

Samantala, inihayag ng hepe na sa ngayon ay nananatiling maayos pa rin ang seguridad para sa nalalapit na May 2013 elections sa Lunes. 

No comments:

Post a Comment