Pages

Wednesday, April 10, 2013

Sobra-sobrang load at sanga-sangang wiring, rason sa pagkasunog ng mga poste sa Boracay

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay


Electrical fire ang kalimitang dahilan ng pagkasunog ng mga poste sa Boracay dala ng sanda makmak na mga linya na nakakabit dito.

Sapagkat maliban sa linya o wirings ng Akelco, naka-kabit din ang linya ng telepono at cable sa iisang poste lamang, ayon kay FO3 Franklin Ar
ubang ng Bureau Fire Protection o BFP Boracay.

Ganon paman, pasalamat naman umano sila dahil walang mga establishemeneto at pamamahay na nadadamay na siyang labis na ikinababahala nila sa ngayon.

Bunsod nito balak na rin umanong padalhan ng sulat ng BFP Boracay ang Akelco upang maayos na ang mga linyang ito.

Sa panig naman ng Akelco, mahalaga umano magbigay ng paabiso muna sa kooperatiba ang nais magdagdag o magkabit ng linya sa poste upang maagapan at hindi na lumala ang problema kaugnay dito.

Sapagkat ayon kay Akelco Boracay Engr. Wyane Bucala, ang drop wire at load o karagdagan linya mula sa poste papunta sa bahay o establishemento ang dahilan ng pagkasunog kapag nagkakaroon ito ng leakage at madikit pa sa ibang linya.

Pero kalimitan umano sa pangyayaring ito ay naitatala lamang kapag summer season, ngunit hindi naman umano ganon kadalas.

Kung maaalala, nitong linggo lamang, nakapagtala ng ilang kaso ng pagkasunog ng poste o kaya ay pagliyab ng gawad ng kuryente sa Boracay, na labis na ikinababahala naman sa ngayon na baka makakapagdulot ng sunog lalo pa at napakainit ng panahon.

No comments:

Post a Comment