Pages

Wednesday, April 10, 2013

Lumang wirings sa bahay, palitan na para iwas sunog --- BFP Boracay

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Para maka-iwas sa sunog, sikaping mapalitan na ang mga lumang wirings na ginagamit sa loob at labas man ng bahay o establishemento, lalo na kapag may sampung taon na itong ginagamit.

Sapagkat kalimitan ay ito rin umano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakuna na nagreresulta sa sunog.

Kung saan ang mga lumang kawad na ito ang dahilan na animo ay pumuputok na ang insulator ayon kay F03 Franklin Arubang ng Bureau of Fire Protection o BFP sa Boracay.

Maliban dito, pinayuhan din ni Arubang ang mga Boracaynon na ipa-check din sa lisensiyadong electrician ang mga linya nila bago magdagdag ng load o ano mang gamit dahil kapag na over load umano, doon na nagkakaroon na ng problema.

Ang pahayag na ito ng Fireman ay kasunod ng mga sakuna na nararanasan sa isla lalo na sa Metro Manila na nagsisimula sa simpleng spark lang ng kuryente lalo na ngayong tag-init. 

No comments:

Post a Comment