Pages

Tuesday, April 09, 2013

Buwaya sa Boracay na posibleng ipalit kay Lolong, babawiin na ng DENR

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Anumang oras ay pwedeng nang ilabas o bawiin sa Boracay ang dalawang buwayang nasa pangangalaga ngayon ng negosyanteng si Lenard Tirol.

Bagamat isa ito sa itinuturing na tourist attraction sa ngayon, ngunit dahil sa kakulangan umano sa dukomento bago paman dalhin papasok sa islang ito ang dalawang “Salt Water Crocodile” ayon kay Boracay CENRO Officer Merza Samillano.

Nakatakda nang kunin ito ngayon ng DENR at ibalik sa pinag-mulan.

Bagamat sinubukan naman umano ng kampo ni Tirol na mag-aply ng permiso sa CENRO Boracay para sa pag-aalaga ng mga “endangered species” na ito.

Subalit hindi na umano binigyan pa ng permiso dito sa Boracay, dahil kulang parin ang kanilang dukomento kahit na mayroon pang “donation paper” mula sa accredited wildlife farm na pinagkunan sa dalawang buwaya.

Sa ngayon ay nakatangap na umano si Samillano ng kautusan mula sa legal division ng DENR Regional Office 6, na nagsasabing ilalabas na ng isla dalawang species.

Kaya may sulat na at kinausap pa umano ng CENRO si Tirol na boluntaryo nang isuko ang dalawang hayop sa posisiyon ng DENR.

Sa kasalukuyan ay tina-trabaho na rin umano ng tanggapan nito na magkaroon ng pormal na turn-over ng mga buwayang ito sa CENRO at ang DENR Regional Office na ang bahala sa pagdadala pabalik o palabas ng isla.

Bagamat isa umano sa ikinokunsidera nilang opsiyon sa ngayon ay panatilihin na lamang sa islang ito ang mga buwaya, subalit ayon kay Samillano, sa ngayon ay wala talagang accredited wildlife farm sa Boracay na siyang pwede mangalaga sa dalawang dambuhalang hayop na ito.

Samantala, hindi pa aniya masasabi nila sa ngayon kung ang buwayang ito sa Boracay ang ipapalit sa namatay na buwayang si Lolong bilang pinakamalaking buwaya sa mundo.

Bagay na pinag-aaralan at ini-imbentaryo na rin umano sa ngayon upang makumpirma.

No comments:

Post a Comment