Pages

Friday, April 26, 2013

Media na nag-apply para sa absentee voting sa Aklan, iisa lamang

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Tila nanghihinayang ang mga Aklanon na media na hindi maiboto ang kanilang kandidato sa lokal na nagpapapili mula kongresista pababa sa konsehal ng mga bayan, sapagkat iisang media lamang sa Aklan ang nag-apply para sa absentee voting.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng pamahalaan sa mga media sa bansa na bumoto ng maaga kaya isinama ang mga mamamahayag sa absentee voting para sa mga ahensya at departamento ng gobyerno na inaasahang magiging abala sa darating na halalan at sa hiling na rin ng media sa bansa.

Pero sa probinsyang ito, tila inisnab lamang ang pagkakataong makapag-boto ang mga ito ng maaga bago ang eleksyon.

Ayon kay Aklan Comelec Supervisor Atty. Roberto Salazar, solo lamang ng isang tao na hindi na pinangalanan ang pagkakataon na makapag-boto, bagay na hindi umano nila alam kung bakit hindi nag-apply para sa absentee ang iba.

Pero nilinaw nito na tanging sa national level na mga kandidato lang ang pwedeng maiboto sa absentee.

Samantala, mahigit sa isandaang mamamahayag naman ang nagpa-accredit sa Comelec para sa May 2013 Elections.

No comments:

Post a Comment