Pages

Friday, April 26, 2013

Beach Management ng PRC, umaalalay sa mga naliligo sa Boracay

Ni Rodel Abalus at Alan Palma Sr., YES FM/Easy Rock Boracay

Ang PRC o Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter ay nakikipagtulungan sa mga miyembro ng LGU Lifeguard para sa seguridad ng mga naliligo sa baybayin ng Boracay lalo na ngayong super peak season.

Sa panayam kay John Patrick Moreno, staff nurse ng PRC Boracay-Malay Chapter, pangunahing responsibilidad nila ay ang pagbabantay sa red at yellow flag sa beach front.

Dagdag pa nito na nagbibigay sila paalala sa mga naliligo na kung maari ay huwag na silang lumagpas sa nakatalagang dilaw at pulang flag para na rin sa kanilang seguridad .

Sa ganito ring paraan nila mapapaalahanan ang mga turista lalo na kung medyo malakas ang alon.

Ang beach management ng PRC ay nagbibigay din ng mga impormasyon tungkol sa tamang kasuotan sa paliligo at kung paano alalayan ang mga batang kasama para maiwasan ang anumang sakuna dulot ng kapabayaan ng magulang.

Ilan din sa madalas nilang pa-abiso ay ang pag-iwas sa paliligo kung nakainom, kung may kulog at malakas ang agos ng tubig dagat.

Samantala, inanyayahan naman ng PRC ang lahat na magkakaroon sila ng aktibidad na pinamagatan na “Festival of the Winds” sa darating na May 17-18, 2013.

Tampok dito ang Life Guard Competition at Ocean Swim at Adventure Run.

No comments:

Post a Comment