Pages

Friday, April 26, 2013

Kaso ng pinaslang na Ati Spokesperson, umuusad na

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Dalawang buwan matapos paslangin, umuusad na umano ngayon ang kaso ng Ati Spokesperson na si Dexter Condez.

Matatandaang si Condez ay pinatay noong gabi ng Pebrero a-bente-dos, taong kasalukuyan, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang Village sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc, kasama ang dalawang babae na kapwa nito katutubong Ati.

 Ayon kay Deputy Police Superintendent Region 6, Manuel Felix, wala na umano sa kamay ng Philippine National Police o PNP ang kaso ni Dexter, dahil nai-akyat na ito sa Higher Court.

Kung saan tatlong suspek na umano ang kinasuhan, kasama na si Daniel Celestino, ang unang itinuturong suspek sa kremin, at ang dalawa pang suspek na hindi na pinangalanan pa.

Kaugnay nito, nangako naman umano ang Commission on Human Rights o CHR na tutukan nila ang kaso ni Dexter upang mapabilis itong maresolba.

Matatandaang sa pagdalaw ni Department of Justice Secretary Leila De Lima sa Ati Community kamakailan ay inihayag din nitong mahigpit nilang mino-monitor ang kaso ni Dexter upang mabigyan ng agarang hustisya .

No comments:

Post a Comment