Pages

Tuesday, April 23, 2013

Iligal na droga sa Boracay, hindi pa naman gano’n ka-talamak --- PDEA

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Hindi na maituturing na drug free ang buong Boracay.

Sapagkat mismong ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang nagkumpirma na may mga nagpipilit pa rin talagang mag-market sa islang ito ng mga ipinagbabawal na gamot kahit sabihin pang mahigpit na ipinapatupad ang batas laban sa mga mahuhuli.

Pero paglilinaw ni PDEA Regional Director Atty. Ronnie Delicana, hindi pa naman ganoon ka-talamak ang iligal na droga sa Boracay, ngunit hindi naman umano masasabi na wala dahil ang totoo ay meron naman.

Ito ang inamin mismo ng nasabing opisyal kaugnay sa estado ng Boracay kung pagtutulak o pagbibenta at pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot ang pinag-uusapan.

Sa panayam ng himpilang ito kay Delicana, tahasang sinabi nito na dahil sa panturismong lugar ang Boracay ay mayroon talagang gumagamit at nagbibenta dito.

Pero may mga aksiyon na rin umano silang balak na gawin sa ngayon.

Kaya ito na rin mismo ang nagsabi na hindi dapat maging “seasonal” lang ang kanilang gagawing operasyon sa Boracay.

At ang sinumang nahuhuli nila ay siguradong kakasuhan umano ng PDEA.

Anya, kapag hindi umano maaaksiyunan ang katulad na problema ito, ang presensiya ng mga ipinagbabawal gamot at ng mga gumagamit nito ay siya ding gumagatong para mapalaki ang market ng ipinagbabawal na droga sa isla

No comments:

Post a Comment