Pages

Tuesday, April 23, 2013

Comelec Malay, aminadong mahirap kontrolin ang pakalat-kalat na mga poster ng mga pulitiko

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Aminado ang Comelec Malay na nahihirapan sila sa implementasyon kaugnay sa pagbabawal sa pagdikit ng mga poster ng kandidato sa mga hindi common poster areas.

Sa panayam kay Malay Comelec Officer Feliciano Barrios, sinabi nito na ang nagpapahirap sa kanila para makontrol ang pagkalat ng mga election poster ay itong walang katapusang mga alibi o rason ng mga kandidato kapag ipinapatawag at pinagpapaliwanag.

Aniya, kalimitang rason ng mga ito ay hindi naman umano sila ang may gawa o nagdikit ng mga poster na ito sa puno.

Sa halip ay itinuturo ang kanilang mga volunteers o supporters na siyang nangangampaniya para sa kanila lalo na umano yaong mga poster ng mga nagpapapili para sa national level.

Gayong may mga puno dito sa Malay at Boracay na halos ginagawang poste na ng poster ng kandidato.

Naghihintay na lamang umano sila ngayon ng kautusan mula sa higher office nila para sa kanilang magiging hakbang.

Pero paglilinaw nito, dito sa Malay ay wala naman silang natatanggap na reklamo mula sa mga kandidato na nagre-report kaugnay sa illegal na pagkakabit ng mga poster ng kanilang mga katunggali.

Samantala, sinabi din ni Feliciano na sa ngayon ay masasabi din nitong mapayapa pa naman ang seguridad ng buong bayan para sa nalalapit na May 2013 elections at wala siyang nakikitang magiging problema sa nalalapit na halalan.

Naniniwala din ito na dahil sa wala namang katungali ang kasalukuyang administrasyon sa pagka-alkalde, hindi ganoon kainit ang takbo ng karera ng mga kandidato sa bayang ito.

No comments:

Post a Comment