Pages

Tuesday, April 23, 2013

“Drug-free work place”, hihilingin sa mga stakeholders sa Boracay

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Sa pag-amin ng PDEA na may market ng illegal na droga sa Boracay at kung hindi na drug free ang buong isla, hihimukin na umano ng otoridad na maging ligtas laban sa ipinagbabawal na droga ang mga establishments dito.

Aapela aniya ang PDEA sa mga stakeholders sa isla na ipatupad at gawin ang polisiyang “drug-free work place” sa kani-kanilang mga establishment.

Kung saan, magyayari umano ito sa paraan ng pagmonitor din nila sa kanilang mga empleyado, dahil ang pag-gamit at pagtutulak ng droga ay hindi umano makakatulong sa negosyo ayon kay PDEA Regional Director Atty. Ronnie Delicana.

Bunsod nito, plano na rin umano nila sa ngayon ang pagpunta sa isla at makipag-usap sa mga stakeholder dito.

Dagdag pa ng opisyal, ayaw din umano nilang makaladkad ang pangalan ng Boracay na posibleng humantong sa pagkamatay din ng kabuhayan ng mga empleyado at negosyante dito.

Aminado din si Atty. Delicana na hindi kakayanin ng pamahalaan ang pagsugpo sa illegal na droga kung walang tulong at kooperasyon mula sa mga tao gaya ng mga stakeholders na ito.

No comments:

Post a Comment