Pages

Saturday, April 13, 2013

Father Crisostomo, nanawagan sa LGU para sa kaso ni Dexter Condez


Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Ang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga Ati at hustisya para kay Dexter ay hindi lamang para sa mga katutubo.

Ito ay pakikipaglaban din para sa lahat, sa kadahilanang tayo ay bahagi at nagmula sa kanila.

Ito ang naging pananaw ni Boracay Holy Rosary Parish team mediator Rev.Fr Arnaldo Crisostomo, kaugnay sa kasong pagpatay kay Boracay Ati spokesman Dexter Condez.

Anya, ang gobyerno-lokal ang dapat tumulong upang protektahan ang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga katutubo dito.

Kaya naman nanawagan ngayon si Crisostomo sa LGU na kumilos na ayon sa mandato sa kanila ng batas na tulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga maliliit at ang mga Ati sa Boracay.

Maliban dito, nanawagan din ang nasabing pari sa mga non-government organizations (NGOs) na tulungan sa anumang paraan ang mga Ati, para sa kanilang kabuhayan at ikauunlad.

No comments:

Post a Comment