Pages

Saturday, April 13, 2013

Partisipasyon ng mga taga-business sector sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa Boracay malaking tulong --- Glenn Sacapaño


Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Ang partisipasyon ng mga establishments sa front beach ng Boracay ay may malaking kontribusyon para sa maigting na pagpapatupad ng mga ordinansa.

Ito ang sinabi ni Island Administrator Glenn Sacapaño kaugnay sa mga ipinapatupad na batas sa isla ng Boracay.

Kung saan malaki umanong tulong ito kung maikakalat ng mabuti ang mga impormasyon sa mga bisita ukol dito.

Ang mga taga-business sector ang mga establishments umano ang maaaring makapag-sabi sa mga turista kung ano ang mga bawal sa isla, particular na sa front beach.

Hindi rin naman umano sila nagkulang ng paalala sa mga bisita dahil may mga tarpaulins at nakapaskil din sa mga sasakyan kung ano ang mga bawal sa Boracay.

Kung kaya’t kapag nahuli ng MAP o Municipal Auxiliary Police ang sinumang turistang lumabag ay talagang iisyuhan nila ng ticket.

Samantala, aminado din si Sacapaño na kulang sila ng tao para mag monitor sa mga bisitang lumalabag ng ordinansa dito sa isla.

Kahit sabihin pang hindi na Holy Week dagsa at siksikan pa rin ang mga bisita na dumadayo dito, marami pang mga arrivals, muling iginiit ng administrador na magtulungan na lang ang lahat para sa ikabubuti ng Boracay.

No comments:

Post a Comment