Pages

Tuesday, April 09, 2013

Mga pasahero sa Boracay, pinayuhan ng BLTMPC na habaan pa ang pasensiya sa pagsakay ng tricycle

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Haba ng sinturon o pasensiya pa rin umano ang dapat na baunin ng mga pasahero sa Boracay sa ngayon, ayon sa payo ng BLTMPC.

Sapagkat kulang pa rin talaga ang mga tricycle na pumapasada sa bawat araw sa isla batay sa pag-aamin na ginawa ni BLTMPC General Manager Ryan Tubi sa panayam dito.

Ayon kay Tubi, sa dami talaga ng pasahero lalo na at summer season, dagdagan pa na nanatili pa rin ang “color coding scheme” sa mga tricycle kaya marami parin
umano sa ngayon ang hindi kayang isakay ng pampulikong sasakyan na ito.

Kung saan wala pa aniya silang magagawa sa sitwasyong ito, kundi ang pag-unawa mula sa publiko ang hiling nila.

Aminado din ito na hindi pa nila nasusubukang hilingin muli sa lokal na pamahalaan ng Malay na kaselahin ang color coding scheme.

Sapagkat hinihintay pa rin nila ang “petition letter” mula sa dalawang paaralan sa Boracay na nagsasabing kailangang-kailangan ang serbisyoso ng mga-tricycle na ito, upang magkaroon na rin umano ng lakas ang BLTMPC na umapela sa LGU.

Sa ngayon ay ang paaralan sa Barangay Manoc-manoc pa lang umano ang nakapag-bigay sa kooperatiba ng petition letter at hinihintay pa nila ang magmumula sa Balabag at Yapak.

Dahil ayaw din umano ng mga Board of Directors ng BLTMPC na mapahiya at hindi mapakinggan ng LGU Malay ang kanilang mga apela kung wala naman batayan.

Kung matatandaan, simula nitong nagdaang buwan ng Disyembre ay naramdaman na ang kakulangan ng tricycle sa Boracay, kung saan pahirapan sa pag-abang ng masasakayan lalo na ng mga lokal na pasahero. 

No comments:

Post a Comment