Pages

Wednesday, March 20, 2013

Umano’y paniningil ng mahal ng ambulance fee ng mga pribadong klinika sa Boracay, itinanggi ng Red Cross

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Itinanggi ng Red Cross ang umano’y mahal na paniningil ng ambulance fee ng mga pribadong klinika sa Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay Red Cross Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Schoenenberger, sinabi nito na isyu-isyu lamang ang kuwento tungkol sa mga nasabing klinika sa isla.

Bagama’t sila umano sa Red Cross ay “neutral” at hindi namamagitan sa mga kahalintulad na usapin, nakipag-ugnayan naman umano ito sa mga klinika, bilang pagsunod sa iniutos sa kanya ng SB Malay na alamin ang katotohanan tungkol dito.

Sa ikawalong regular session kasi ng SB Malay noong isang linggo ay nausisa ang nasabing administrador kaugnay sa paniningil nila ng ambulance fee.

Kung saan matatandaang sinabi nito na ang mga turistang pasyente na may mga travel insurance ay isang libo’t limang daang piso ang singil nila.

Muli namang iginiit ni Schoenenberger na kapag pasyenteng Boracaynon ang nangailangan ng ambulansya ay hindi nila ito sinisingil.

Napag-alamang ang mga pribadong klinika dito sa isla ay walang sariling ambulansya, at may mga pagkakataong ang ambulansya ng Red Cross ang ginagamit.

No comments:

Post a Comment