Pages

Wednesday, March 20, 2013

Mga party at maiingay na aktibidad sa Boracay sa darating na Biyernes Santo, ipagbabawal ng Munisipyo ng Malay

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

May event o party ka ba sa Boracay sa darating na Biyernes Santo?

Kung gano’n, huwag kang magtatampo kung hindi ka mabibigyan ng permiso.

Hindi kasi magbibigay o mag-i-issue ng permit ang munisipyo para sa mga kahalintulad na aktibidad kapag Biyernes Santo.

Ito’y base na rin sa Sangguniang Bayan Resolution No. 15, na humihiling sa Office of the Mayor na huwag pahintulutan ang mga establisemyento sa isla na maging maingay sa araw ng pagninilaynilay ng mga Kristiyano.

Kung saan simula alas-6:00 ng umaga ng Biyernes Santo hanggang alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria, ay bawal talaga ang party at pagpapatugtog ng malakas.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga establisemyento dito ay padadalhan ngayong araw ng sulat upang ipaalala at ipaalam na magiging istrikto ang munisipyo sa pagpapatupad ng nasabing kautusan.

Ito’y isang paraan din umano ng pagpakilala ng munisipyo sa solemnidad ng nasabing banal na araw.

No comments:

Post a Comment