Pages

Monday, March 18, 2013

Mangroove Park sa Sitio Lugutan, binuksan na para sa publiko

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay


Pormal nang binuksan para sa publiko ang bagong panturismong atraksyon sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc kahapon.

Ang boardwalk sa mangrove park na pinunduhan at proyekto ng Tan Yan Kee Foundation ay pinasinayaan mismo ni Dr. Lucio Tan at dinaluhan ng mga lokal na opisyales ng bayan Malay na pinangunahan ni Mayor John Yap.

Sa panayam ng himpilang ito ka Jerry Ty, tagapamahala ng proyekto, ang pagtatanim ng bakawan sa nasabing lugar ay isa sa mga proyektong pangkalikasan na kanilang tinututukan.

Ang paglinis sa lugar at pagtanim ng bakawan ay unang isinagawa noong nakaraang taong na dinaluhan ng mga volunteers at mga Boracaynon.

Ang pagbukas ng bagong pasyalan ay para lalo pang mahatak ang ilang turista na puntahan ito maliban sa ipinagmamalaking puting buhangin ng isla na kung saan nais din nito imulat sa bagong henerasyon ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang pasinaya sa mangrove park ay nag umpisa sa pamamagitan ng pag bendisyon na pinangunahan ni Holy Rosary Parish Rev. Father Arnold “Nonoy” Crisostomo.

No comments:

Post a Comment