Pages

Saturday, March 16, 2013

Sobrang loan ng LGU para sa landfill, inusisa ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nagtataka ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay kung bakit P25.6 milyon pa ang kailangan i-loan para pambayad sa balanse o utang sa kontraktor na gumawa ng Municipal Sanitary Land Fill.

Sa sesyon ng konseho nitong Martes, maging ang mga konsehal ay napatanong na lamang kung bakit umaabot sa P25, 600,000.00 pa ang uutangin para dito.

Gayong nitong nagdaang taon umano ay nakapag-utang na ng P15, 255,000.00.

Samantalang ang halaga lamang umano ng proyekto ay mahigit tatlumput walong milyon piso, kaya tila sobra naman umano ito.

Kung saan kapag pinagsama ang dalawang loan na ito ay magkakahalaga na lahat ng mahigit P40.8-milyon.

Bunsod nito, nagtataka sila kung bakit at para saan ito.

Dahil dito, bago umano nila aprubahan sa susunod na sesyon nila ang otorisasyon na ibibigay nila sa Punong Ehekutibo  para sa pumasok sa pakikipag-negosasyon sa isang banko upang muling makapag-utang ay aalamin muna nila sa mga kina-uukulan kung para saan ito.

Duda naman ang SB na para sa interes ng loan ang sobrang halaga.

No comments:

Post a Comment