Pages

Saturday, March 16, 2013

Ordinansang nagbabawal sa pag-gamit ng plastic bag sa Boracay, malapit nang ipatupad

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Soon to be implemented.”

Ito ang sagot mula sa tanggapan ng Alkalde ng Malay kaugnay sa implementasyon ng Municipal Ordinance No. 320 na inaprobahan ng Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Oktubre ng nagdaang taon na aprobdo din sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang pagrerebyu.

Ang Municipal Ordinance # 320 ay siyang local na batas na nagba-bawal at nagre-regulate sa pag-gamit ng mga plastic bag at Styrofoam sa buong bayan ng Malay lalo na sa Boracay.

Nakita kasi ng konseho na hindi parin sapat ang programang segregation ng basura lalo na sa isla upang masulosyunan ang dami ng basura dito.

Kung saan mga plastic bag umano ang karamihan sa mga basura na siyang kalimitang ginagamit sa halos lahat ng establishemento dito.

Kasunod nito, pinag-uutos na na sa halip na gumamit ng plastic bag para sa mga dry goods at Styrofoam sa wet goods, sa ordinansa ding ito nakasaad na maaari ding gumamit ng mga recycle o recyclable na lalagyan ng mga binili o ibinibinta, gaya ng bayong, cloth bag, at iba pang pwedeng pambalot gaya ng dahon ng saging at taro.

Bagamat kapag naidaan na ito sa information dissemination ay maaari nang ipatupad sa buong bayan ng Malay at Boracay.

Subalit sa ngayon ang hindi malaman kung kaylan sisimulan ang implementasyon, gayong ang mga esatablishemento ang unang maapektuhan ng ordinansang ito.

No comments:

Post a Comment