Pages

Saturday, March 16, 2013

“Plastic Free Boracay”, ikinatuwa ng DoT

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng Department of Tourism sa Boracay ang ordinansa na nagbabawal at nare-regulate sa pag-gamit ng mga plastic bag at Styrofoam sa buong bayan ng Malay lalo na sa isla.

Sa panayam kay DoT Boracay Officer-in Charge Tim Ticar, positbo ang pagtanggap nito na balak na implelmentasyon ng Municipal Ordinance # 320, para maging plastic free na rin umano ang islang ito.

Aminado naman si Ticar na isa sa seryusong problema na hinaharap sa ngayon ng “2012 Best Beach in the World” na Boracay ay ang suliranin sa kapaligiran dahil sa dami ng basura lalo na ngayong Summer Season kasabay ng inaasahan ng pag-dagsa ng mga turista.

Kaya umaasa sila na ito na rin ang isa sa magiging sulosyon ng lokal na pamahalaan ng Malay upang ma-sustain ang kapaligiran ng isla na maging “plastic free” na ito.

Bagamat inaasahan ni Ticar na sa umpisa ay mahihirap itong ipatupad, ngunit positibo ang papanaw niya ukol dito lalo na kung maipapatupad ito ng husto.

Gayong halos lahat naman umano ay nagtutulungan sa ngayon para sa Boracay, at maging ang national government man ay nakatutok na rin dito sa isla. 

No comments:

Post a Comment