Pages

Monday, March 18, 2013

Libreng Search and Rescue Training, inilarga ng Philippine Coast Guard ngayong araw

Ni Mark Anthony Pajarillo, YES FM Boracay

Isang libreng search and rescue training ang inilaraga ng Philippine Coast Guard ngayong araw.

Kasama ang Phil. Coast Guard Auxiliary, magsasagawa umano ito ng tinatawag na Water Search & Rescue, Rubber Boat & Operation Maintenance o WASER/RBOM Training dito sa isla ng Boracay.

Ang mga sasali sa nasabing pagsasanay ay mismong mga taga Phil. Coast Guard, Phil. Army, PNP, Red Cross, Boracay Action Group at ilang mga volunteers.

Sinimulan ito ng Classroom Instruction sa Station 1 sa Club Paraw at ang Water Training ay sa mismong baybayin ng Boracay.

Ayon kay Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno ng Phil. Coast Guard, tampok sa naturang pagsasanay na ito ay ang mga basic life support training, basic water exit, tamang paggamit at paghawak ng rubber boat at First Aid.

Ang mga nagsipagsanay umanong ito ay maituturing na ring mga Life Guards sakaling magkaroon man ng mga kalamidad dito sa isla ng Boracay anumang oras.

Sinabi pa ni Vingno na maliban sa maiiwasan ang ilang insidente ng pagkalunod.

Importante ang pagsasanay na ito upang makatulong na rin sa mga lokal na residente ng Boracay sa pagsagip ng mga nadidisgrasya sa dagat nang hindi umaasa sa mga ahensyang ito.

Asahan din umano na sa susunod na buwan ng Abril ay magkakaroon ulit sila ng pagsasanay ng isang linggo dito pa rin sa Boracay.

Samantala magtatagal naman ng anim na araw ang nasabing training hanggang sa Sabado, ika 23 ng Marso taong kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment