Pages

Saturday, March 16, 2013

Mga tarpaulin dumadami pa, sa kabila ng kampaniya na maging “plastic free” ang Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung target na maging “plastic free” ang Boracay, mistulang tambakan na rin sa ngayon ng tarpaulin ang islang ito.

Ito ay kahit wala pa ang campaign period para sa mga lokal na politiko, pero halos puno na ng tarpaulin na naglalaman ng patalastas at promosyon ng iba’t ibang malalaking kumpaniya  ang mga poste ng ilaw sa Boracay.

Bagamat halos ilang taon na rin na laman ng mga deliberasyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang lapad at laki ng mga tarpulin na ilalagay o ikakabit sa mga daan lalo na sa lamp post na hanggang sa ngayon ay hindi maayos-ayos makalipas ang mahigit limang taon na nakatayo ito at kinakalawang na, pero sa ngayon ay naging makulay naman ang mga poste na ito dahil sa makukulay na tarpaulin na nakasabit dito.

Bagamat may ordinansa na kaugnay sa regulasyon sa pagsasabit ng nga tarpaulin ay may binabayaran sa LGU Malay para makakuha ng permit ang mga magkakabit ng ano mang tarpaulin ng patalastas.

Hanggang sa ngayon ay sagabal parin sa daan ang mga ikinabit na ito, sapagkat naglalakitahan parin na halos ay maakupahan na ang “foot walk” na inilaan para sa publiko.

Kung maaalala, una ng pinuna nitong nagdaang taon ng isang opisyal ng Boracay Foundation Inc. (BFI) na tila basura sa mata ng turista ang dami ng mga tarpaulin na nakalat o nakasabit kung saan-saan lang.

Subalit hanggang sa ngayon ay nananatiling problema pa rin ito.  

No comments:

Post a Comment