Pages

Saturday, March 09, 2013

Pitong lalaking nahuling naglalaro ng poker sa Boracay, sasampahan ng kaso

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pursigido ang Boracay Pulis na sampahan ng asunto ang pitong kalalakihan na ginawang Casino ang Cagban kahapon ng gabi.

Ngayong araw ng Sabado ay inaasahang sampahan ng kaso sa mga ito makaraang nahuli sa aktong naglalaro ng poker sa Barangay Manoc-manoc noong a-7 ng Marso bandang alas-7:30 ng gabi.

Kahapon ng hapon ay inihanda ng Pulis Boracay ang mga ebidwnsiya laban kina Bryan Tornea ng Brgy. Caticlan,  Julius Villas ng Ambulong Manoc-manoc, John Jay Relojas ng Balabag, Raphael Villagante ng  Ajuy, Iloilo,  Jeffrey Agravante ng Davao City, Jonathan Parba ng  Koronadal City at Ryan Ronquillo ng Brgy. Balabag sa Boracay.

Nahuli ang mga nabangit na persona sa akto naglalaro ng poker sa isinagawang entrapment operation na pinangunahan ni S/Insp. Joeffer Cabural, hepe ng Pulis Boracay makaraang imonitor ito ng Intelligence operative.

Nakuha din sa mga ito ang poker chips at baraha na gigamit ng mga nahuli.

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9287 o Illegal Gambling ang isasampa laban sa mga ito.

No comments:

Post a Comment