Pages

Saturday, March 09, 2013

Umano’y madalas na pag-absent ni Malay Mayor Yap, ipinaliwanag

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Positibong tinanggap ng kampo ni Malay Mayor John Yap ang pagbatikos sa umano'y madalas nitong paglabas ng bansa at pagpapabandying-bandying.

Ayon kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa, kung mag-travel man ang Punong Ehekutibo, ito ay bahagi pa rin umano ito ng kaniyang trabaho, at kung magbakasyon o lumabas man aniya ito ng bansa, karapatan din naman ito Alkalde.

Paliwanag pa nito, kabilang umano sa mga travel ng Punong Ehekutibo ay kapag may mga imbitasyon dito sa mga pagtitipon na tatayo siya bilang representante ng bayan ng Malay at Boracay.

Maliban dito, hindi rin umano nangangahulugang pinabayaan na umano nito ang kaniyang trabaho, sapagkat may mga tao din umano itong iniwan na siyang taga-asikaso at tutugon sa oras na kailangan ang kaniyang serbisyo, gaya ng mga department heads, na handang umaksiyon.

Sinabi pa ng administrador na nagpapasalamat pa nga sila sa mga taong nakapuna at nagbabantay sa aktibidad ng Alkalde dahil nanga-ngahulugan lamang umano ito na nagmamalasakit sila sa bayan.

Matatandaang nitong nagdaang mga araw at nitong buong linggo ay wala ang Alkalde sa Malay, at pansamantala ay pinaupuan muna nito ang posisyon niya kay Vice Mayor Ceceron Cawaling.

Kung maaalala din, ilan sa mga kritiko na rin nito ang nagsabi na tila kampante na si Yap sa posisyon nito dahil sa wala itong katunggali ngayong May 2013 Mid Term Elections.

No comments:

Post a Comment