Pages

Saturday, March 09, 2013

Caticlan Elementary School, wala pa ring paglilipatan

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Lugar na lamang talaga ang kulang para paglipatan ng Caticlan Elementary School, upang hindi na maistorbo ang mga mag-aaral.

Ito ang pahayag ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa sa panayam dito kaugnay pa rin sa patuloy na ginagawang pagpapalapad sa Caticlan/Boracay Airport.

Kung saan sa ngayon ay sinisimulan ng alisin ang ilang pamamahay na nasa loob ng perimeter ng nabiling lupa ng developer na bahagi ng gagawing pagpapa-unlad sa paliparan.

Bagamat may katagalan na ang usaping ito, nilinaw ni Sadiasa na naumpisahan na rin ang negosasyon sa gitna nila at ng developer kung saang area ilalagay ang paaralan, subalit sa ngayon wala pa umanong natukoy na paglalagyan.

Sa bahagi naman umano ng lokal na pamahalaan ng Malay, ninamadali na rin nila ang bagay na ito upang hindi na maapektuhansana  ang mga mag-aaral sa development na nangyayari sa lugar.

Paglilinaw pa nito, ang nabili umanong lupa ng LGU Malay sa area ng Tabon ay hindi para sa eskwelahan, kundi para pagsasa-ayos ng pantalan doon at  balak na patayuan ng ospital.

Kung maalala, ilang beses na ring nanghingi ng tulong ang mga Barangay Officials ng Caticlan gayon din ang mga guro sa pamahalaang nasyonal at maging sa dating Pangulo ng bansa at sa ilang departamento.

Subalit hanggang sa ngayon ay nananatili parin ang problema at nagtitiis parin sa kanilang klase ang mga estudyante dahil malapit lang ang paaralang ito sa runway ng paliparan.

No comments:

Post a Comment