Pages

Saturday, March 23, 2013

Philippine Red Cross, maglalagay ng mga first aid stations sa Boracay ngayong Semana Santa


Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Magpapalagay ng mga first aid stations ang Philippine Red Cross sa isla ng Boracay sa darating na Holy Week.

Ayon kay Red Cross Malay-Boracay Chapter staff nurse John Patrick Moreno, upang matugunan ang mga pangangailangan sa pangunang lunas o first aid ng mga bakasyunista.

Ilang mga first aid stations ang ilalagay nila sa beach front ng Boracay, maliban pa sa ipapakalat nilang mga Red Cross life guard.

Maging ang numero unong shopping destination sa isla na D’Mall of Boracay ay palalagyan din umano nila ng dalawang first aid stations na may dalawa o tatlong nurses.

Kung saan nakahanda umano ang mga ito mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, simula sa araw ng Miyerkules Santo, hanggang sa Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday.

Hinikayat naman ng kanilang Red Cross youth in charge na si Janna Marasigan ang mga bakasyunista na lumapit sa kanilang mga first aid stations.

Nakahanda umano kasi ang mga ito para sa mga magpapatingin ng kanilang blood pressure, at magbigay lunas sa mga posibleng makaranas ng pagkahilo, sakit ng katawan at heat stroke sanhi ng mainit na panahon.

Samantala, hinimok din ng mga taga-Red Cross ang lahat ng kanilang mga trained volunteers na tumulong sa nasabing gawain sa isla, sakaling gusto at bakante ang mga ito sa Semana Santa.

No comments:

Post a Comment