Pages

Saturday, March 23, 2013

Mga aktibidad ng Holy Rosary Parish Boracay para sa Semana Santa, naka iskedyul na


Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Naka-iskedyul na ang mga aktibidad ng Boracay Holy Rosary Parish para sa Semana Santa.

Ayon kay Holy Rosary Parish Team Ministry Mediator Rev. Fr Nonoy Crisostomo, the same schedule o walang anumang gaanong pagbabago sa mga aktibidad ng simbahan ngayong Semana Santa.

Kaya naman ang gaganaping Blessing of the Palms o palaspas sa mismong Balabag plaza bukas ng umaga ay itinakda bago ang misa sa alas otso.

Samantala isang open recollection naman ang gaganapin sa mismong simbahan sa darating na Marso bente sais, dakung alas sais ng gabi.

Kumpisalang bayan naman ang susunod na gawain kinabukasan na magsisimula sa alas otso ng umaga.

Sa darating na Marso bente otso o Huwebes Santo, sa alas kuwatro ng hapon ay ang selebrasyon para sa tinatawag na The Lord’s Last Supper, na susundan naman ng prosesyon sa loob ng simbahan.

Inaasahang dadagsa naman ang mga deboto sa beach front mula sa barangay Manoc-manoc para sa Via Crusis sa darating na Biyernes Santo na magsisimula sa alas sais ng umaga.

Alas tres kinahapunan nito ay ang Liturgy of the Word, Veneration of the Cross at Holy Communion na susundan din ng prosesyon sa labas ng simbahan.

Matatandaang sinabi naman Crisostomo na dapat ding bigyan ng mga bisita sa isla ang kahalagahan ng pagninilay-nilay sa mga nasabing banal na araw.

No comments:

Post a Comment