Pages

Saturday, March 23, 2013

DOT, nakikipag-ugnayan na sa iba’t-ibang ahensya para sa kaligtasan ng publiko sa Boracay sa Semana Santa


Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Nakikipag-ugnayan na sa iba’t-ibang ahensya ang DOT o Department of Tourism para sa seguridad ng mga bakasyunista at turista sa Boracay.

Ito’y may kaugnayan parin sa inaasahang tourist influx o pagdagsa ng mga turista sa Boracay sa nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng himpilang ito kay Boracay DOT Officer in charge Tim Ticar, sinabi nito na nakipag-coordinate na sila sa mga taga Boracay PNP, life guard, at Red Cross bilang bahagi naman ng kanilang paghahanda.

Maliban dito, nagpalagay na rin umano sila ng mga lisensiyadong tour guide sa beach front ng Boracay, para makatulong sa pagbibigay ng impormasyon at assistance sa mga turista.

Samantala, hiniling naman ni Ticar na mag-double time ang mga garbage collector sa pag-aasikaso ng mga basura, lalo pa’t inaasahang mado-doble din ang mga bisita sa isla.

At dahil maging ang nasabing officer in charge ay aminadong problema pa rin ang mga street lights dito.

Nanawagan si Ticar sa mga taga Malay Muncipal Engineers Office na gawan ng paraan upang gumana ang mga street lights sa Boracay para na rin sa kaligtasan ng mga turista.

Ilan kasi sa mga street lights na ito ay kinakalawang na ang mga lamp post, nakatabingi at halatang walang maintenance. (By Bert Dalida)

No comments:

Post a Comment