Pages

Wednesday, March 13, 2013

P50-milion reef buds project ng Sangkalikasan Cooperative, inuusisa na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mala-sementeryo tanawin sa ilalim ng tubig dahil nangitim sa lumot.

Ganito na ilarawan ng ilang divers sa Boracay ang sitwasyon ng reef buds na proyekto ng Sang-Kalikasan cooperative na nagkakahala ng P50-milion mula kay Sen. Loren Legarda.

Dahil dito, nais itong kumpirmahin ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay, lalo na at may mga report na rin umanong nasira ang mga reef buds na ito nang ihulog sa baybayin ng Boracay at nakasira pa sa ilang korales na naroroon na.

Bunsod nito, sa privilege Speech ni SB Member Dante Pagsugiron sa session ng konseho kahapon ng umaga, muli nitong hiniling na imbestigahan ang kasalukuyang sitwasyon ng proyektong ito, sa tulong ng Municipal Agriculture’s Office.

Ganoon pa man, bilang chairman ng Committee on Agriculture and Environment, ibinalik din ng konseho kay Pagsugiron ang pag-aksiyon sa nasabing bagay at ang kumitiba na rin umano nito ang magsagawa ng imbestigasyon upang mapabilis ang pagkalap ng impormasyon para sa posibleng hakbang ng LGU.

At kung ano man umano ang resulta ng pang-uusisa nila ay siya ring pagpapatawag nila sa Sangkalikasan ayon sa SB.

Una dito, sa kooperatibang ito ibinigay ang pondo ng senadora kapalit ng kanilang inobasyon di umano na mayroong “secret formula” ang mga reef buds upang mabilis tubuan ng korales na magsisilbing pangitlugan at tirahan ng mga isda sa Boracay.

No comments:

Post a Comment