Pages

Wednesday, March 13, 2013

Resolusyon na nagbabawal sa maiingay na eventa sa Biyernes Santo, epektibo pa rin --- SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Still in effect pa ang resolution na nagbabawal sa mga maiingay na event o malakas na sound system o tugtog sa Boracay tuwing Good Friday.

 Ito ang nilinaw ng Sangguniuang Bayan ng Malay kaugnay sa suhestiyon ni Sangguniang Bayan Member Jonathan Cabrera na muling ipatupad ang resolusyon sa darating na Mahal na araw sa isla at habaan pa sana ang oras para sa pansamantalang pagbabawal sa mga malalakas na tugtog.

Ayon kay SB Member Rowen Aguirre, “still in effect” pa rin ito hangga’t sila ay nasa posisyon.

Maliban na lamang umano kung magkaroon ng panibagong set of officer o matapos na ang kanilang termino na siyang gumawa ng resolusyon at nais ng bagong mga opisyal ng bayan na amiyendahan ito.

 Dagdag pa ni Vice Mayor Ceceron Cawaling, kung oras naman umano na pag-uusapan sa implementasyon kaugnay nito, maaari naman umano na ang Punong Ehekutibo na rin ang mag-adjust ng oras o palawigin pa ito para sa pagninilay-nilay ng mga turista sa Boracay.

Bunsod nito, nagdesisyon si Cabrera na bawiin na lamang ang kaniyang panukala sa session kahapon sa SB session, matapos nito mapakinggan ang mga pahayag ng nabanggit na mga mambabatas.

Sa suhestiyon kasi ni Cabrera, nagpanukala ito na gawin na lamang na alas-3:00 ng hapon ng Biyernes Santo ang simula ng pagpapatupad dito at magtatapos hanggang alas-6:00 ng umaga ng Sabado o Black Saturday.

 Kung maaalala, ang SB Malay ay may dati nang resolusyon na simula alas-6:00 ng hapon ng Good Friday hanggang alas-6:00 ng umaga ng Black Saturday ay suspendido muna ang mga event na nangangailanagan ng malalakas ng tugtog para sa selebrasyon ng Holy Week.

No comments:

Post a Comment