Pages

Wednesday, March 20, 2013

Cruise ship na MS Europa, nasilayan na ang isla ng Boracay

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay


Eksakto alas-siyete y medya kahapon ng umaga, Marso a-19 ng taong kasalukuyan, nang dumaong ang cruise ship na MS Europa sa isla ng Boracay.

Lulan ang nasabing cruise ship ng mahigit 400 na mga turista at crew na nagkaroon ng pagkakataong maikot at mapasyalan ang isla.

Ang MS Europa ang pangalawang cruise ship na dumaong sa Boracay ngayong taon matapos ang unang cruise ship na MS Columbus na dumating naman noong Pebrero a-24 ng taong kasalukuyan.

Kaugnay nito, ayon kay Department of Tourism Officer-In-Charge Tim Ticar, noong una ay naging hunting grounds lamang ang isla hanggang sa naging back packers, naging individual at group tourists at ngayon nga ay nag-evolve na bilang "cruise ship destination".


Malaking bagay umano ito para sa turismo ng isla ng Boracay, lalo pa nga’t ang target umano ng DOT ay promotional marketing.

Bukod dito, ito rin umano ang pagkakataon upang masilayan ng mga turista kung gaano ka-ganda ang Boracay.

Bagama’t ito na ang huling cruise ship na dadaong sa isla ngayong taon, ngunit ayon kay Ticar ay kasalukuyan pang nakikipag-negotiate o nanliligaw sa Provincial Government ang agency ng Legend of the Seas, ang cruise ship na unang dumating sa isla nitong nagdaang Oktubre ng taong 2012.

Inihayag pa nito na sa susunod na taong 2014 ay aasahan na ang pagdaong ng tatlo pang cruise ship, gayundin sa taong 2015.

No comments:

Post a Comment