Pages

Wednesday, March 20, 2013

Istriktong pagpapatupad ng liquor ban sa darating na midterm election, iginiit ng COMELEC Malay

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Simula hatinggabi ng ika-9 ng Mayo, hanggang hatinggabi ng ikalabing tatlo ng Mayo.

Ito ngayon ang mga opisyal na araw na ipinaalala ni Malay COMELEC Officer Elma Cahilig, kaugnay sa ipapatupad na liquor ban sa darating na 2013 midterm election.

Istriktong ipapatupad umano kasi ng COMELEC ang pagbabawal sa pagtitinda, pagbili,pagbigay o pag-alok ng anumang uri ng alak sa panahong iyon, base na rin sa nakasaad sa Omnibus Election Code.

Sa panayam ng himpilang ito kay Cahilig, sinabi nitong mahaharap sa Election Offense ang sinumang lumabag dito, na ayon naman sa batas ay pagkakabilanggo ng isa hanggang anim na taon, pagkakadiskwalipika sa public office at rebokasyon ng karapatang bumoto.

Magkaganoon paman, sinabi ni Cahilig na may exemption naman umano dito ang mga establisemyentong sinertipika ng Department of Tourism.

Ayon naman kay DOT Officer in charge Tim Ticar, patuloy silang tumatanggap ng mga establisemyentong mag-aaplay para ma-inspiksyon, at mabigyan ng sertipakasyon.

No comments:

Post a Comment