Pages

Thursday, March 21, 2013

Problema tungkol sa hindi pagsunod sa loading at unloading area sa Boracay, inilapit ng isang drayber sa YES FM Boracay

Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Trapik, disgrasya at kapakanan ng nakararami.

Ito umano ang layunin ng isang traysikel drayber sa Boracay, kung bakit niya inilapit sa himpilang ito ang umano’y paulit-ulit niyang problema.

Sa panayam ng himpilang ito sa drayber na tumangging ibigay ang kanyang totoong pangalan, sinabi nito na malaking problema para sa kanya ang hindi pagsunod ng mga kapwa niya drayber at mga pasahero sa tamang loading at unloading area sa isla.

Partikular na tinukoy ng itinago na lamang sa pangalang ‘Rex’ ang sakayan at babaan ng pasahero sa paakyat na bahagi ng sitio Ambolong sa barangay Manoc-manoc.

Madalas daw kasi na nagiging delikado doon, dahil sa mga pasaherong gustong bumaba sa mga alanganing lugar kahit may inilaang unloading area.

Rason naman upang maging perwisyo sa mga sasakyang bumubuwelo paakyat, na kinakailangan pang mag-overtake kahit alanganin, lalo pa’t makitid ang daan.

Dahil dito, maaari umanong mahagip ng mga rumaragasang sasakyan ang humintong traysikel, o ang mismong bumabang pasahero.

Katunayan, marami na rin umanong naaksidente doon, dahil lamang sa pag-iwas humintong sasakyan na wala sa lugar.

Bagama’t tumatanggi umano ito sa maling kagustuhan ng kanyang mga pasahero, ay siya naman ang binabalikan at binabantaang isusumbong sa opisina ng BLTMPC.

Idinagdag pa ni ‘Rex’ na minsan, ay may mga drayber ding puma-parking sa loading area doon kung kaya’t nagkakatrapik.

Kaugnay nito, minarapat namang idulog ng nasabing drayber sa himpilang ito ang nasabing sitwasyon, upang maiparating sa mga kinauukulan.

No comments:

Post a Comment