Pages

Saturday, March 23, 2013

Aksiyon ng pamahalaan sa mga katutubong Ati ng Boracay, hiniling ni Fr. Crisostomo

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay


Sana ay aksiyon at hindi lamang resolusyon ang ipaabot ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Ito ang naging panawagan ni Fr. Nonoy Crisostomo sa lokal na pamahalaan ng Malay kaugnay sa pagkamatay ng Ati Community spokesperson Dexter Condez.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na programa kahapon pagkatapos ng prayer rally para kay Condez, sinabi ni Fr. Crisostomo na nakatanggap sila ng resolusyon mula sa SB Malay na kumukondena sa pagpaslang sa nasabing Ati spokesperson.

Ngunit para kasi kay Fr. Crisostomo, hindi sapat ang resolusyon lang kundi aksiyon sa mga pangangailangan ng mga Ati sa Boracay.

Anya, sana ay may aksiyon din umano ang lokal na pamahalaan, dahil ito na lang umano ang kulang upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Condez.

Sinabi din ng pari na sana ay huwag nang magtulug-tulugan pa ang mga ito.

Samantala, nanawagan naman si BFI President Dionesio Salme na sana pag-ibayuhin ang peace and order sa isla dahil sa pagiging tourist destination ng Boracay.

Ani Salme, sana ay gawin din ng bawat isa ang kanyang parte upang hindi mahirapan sa huli.

Sa kabilang dako, ilan pa sa mga nagbigay ng mensahe kahapon sa nasabing programa bukod pa kina Salme at Fr Crisostomo ay ang iba pang miyembro ng simbahan tulad nina Gng. Rufina Villaroman, youth coordinators, at mga taga-suporta ng Ati Community kung saan pawang nagpahayag ang mga ito na sana’y mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Condez, na nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga ka-tribu kundi sa lahat.

No comments:

Post a Comment