Pages

Friday, March 08, 2013

Mga kawayang idinadaan sa main road ng Boracay, ire-regulate na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Delikado at perwesyo sa daan.

Ganito ilarawan ng ilang local na mambabatas sa bayan ng Malay ang mga kawayan at iba pang construction materials na mahahaba kapag idinadaan na ito sa kalye lalo na sa main road.

Bunsod nito, nasa proseso na rin ng pagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Malay, upang i-regulate ang pag-deliver, lalo na at masyadong makitid o maliit umano ang kalsada sa Boracay.

Kaya kung abala ang kalye o main road at idaan pa umano itong mga kawayan, tubo at iba pang mahahabang bakal na ginagamit sa konstraksiyon, maaaring makapagdala umano ito ng abala at sakuna ayon sa mga konsehal.

Dahil dito, bahagi narin ng kanilang panukala ngayon na gawing alas kwatro o alas singko ng umaga ang pag-deliver upang hindi makapagdala ng mabigat ng trapiko sa mga sasakyang dumadaan lalo na kapag abala na rin ang kalye sa Boracay.

No comments:

Post a Comment