Pages

Wednesday, March 06, 2013

Beach ng Boracay, binabantayan ng dalawang grupo ng Life Guard

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dalawang grupo na ng Life Guard ang nagbabantay sa Beach ng Boracay.

Ito nilinaw ni Philippine National Red Cross Malay-Boracay Chapter Administrator Marlo Shoenenberger sa ginawang ulat nito sa Sangguniang Bayan ng Malay kahapon ng umaga.

Aniya, sa pagbabantay sa mga maliligo, lalo na sa Swimming area, hinati-hati na umano ang skedyul sa dalawang grupo ng Life Saver sa Boracay.

Ito ay sa Life Guard ng LGU Malay na pinapangunahan ni Miguel “Mike” Labatiao at Life Guard ng Red Cross.

Ayon kay Shoenenberger, simula alas-sais hanggang alas-9 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ay Life Guard ng Red Cross na umano ang naka-tukang magbantay.

At ang mga wala na umano sa iskeyul ng Red Cross ay LGU Savers naman ang magbabantay sa Beach.

Kaya 12-oras na umano ngayon na nababantayan ang Swimming area, para maging ligtas ang mga naliligo.

No comments:

Post a Comment