Pages

Thursday, March 07, 2013

BFI, kinondena ang pagpaslang sa Ati Youth Leader at Spokesman Dexter Condez

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Kinondena ngayon ng BFI o Boracay Foundation Incorporated ang pagpaslang sa Ati Youth Leader at Spokesman Dexter Condez.

Ang nasabing pagkondena ay nakasaad sa kanilang inilabas na official statement, na may kasamang panawagan ng hustisya.

Naniniwala umano kasi ang BFI na ang anumang uri ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao ng isang indibidwal ay apektado din ang buong komunidad.

Kung saan ang pagpaslang umano kay Condez nitong nagdaang Pebrero 22 ay nagpayanig sa buong Boracay at dumungis sa reputasyon nito bilang international tourist destination.

Kaugnay nito, nanawagan ang BFI kay mismong Pangulong Benigno Aquino III, sa Aklan provincial government, Boracay PNP, LGU Malay, NBI o National Bureau of Investigation na malutas ang kaso at mabigyang katarungan ang pagpaslang kay Condez.

Nanawagan din ang mga ito para sa isang masusing imbistigasyon para sa ikadarakip ng mga sangkot sa nasabing krimen.

No comments:

Post a Comment