Pages

Wednesday, March 06, 2013

AKELCO, may panibagong dagdag-singil ngayong Marso

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Sigurado ka bang kasya na ang budget mo sa anumang bayarin ngayong buwan?

Kung tamang-tama lang, maoobliga kang ito’y dagdagan.

May panibagong dagdag-singil kasi na P0.19 per kilowatt hour na ipapatupad ngayong Marso.

Base sa Akelco o Aklan Electric Cooperative advisory kahapon, inotorisa ng ERC o Energy Regulatory Commission ang PSALM o Power Sector Assets and Liabilities Management Group na kolektahin mula sa mga electric consumers ang nasabing dagdag-singil.

Ang P0.19 na ito ay makikita sa mga power bill ng AKELCO ngayong Marso, bilang bago at hiwalay na taripa.

Tatawagin naman itong UC-SCC o Universal Charge-Stranded Contract Cost na ipambabayad umano ng PSALM sa P53.58-billion na Cost of Stranded Contracts ng NPC o National Power Corporation.

Ang Stranded Contract Cost ay tumutukoy sa sobrang halaga ng kuryente na nakakontrata sa National Power Corporation at Independent Power Producers sa aktuwal nitong selling price.

Ang nasabing paniningil ay sa ilalim ng EPIRA o Electric Power Industry Reform Act of 2001 at pag-aapruba ng Energy Regulatory Board.

No comments:

Post a Comment