Pages

Monday, February 11, 2013

Pagdami ng basura at mabigat na trapik sa kalye ng Boracay, ramdam na


Kasabay ng pamamayagpag ng Boracay sa panahong ito, lalo na at super peak season na, dumadami na rin ang problema sa isla.

Dahil dito, tila seryoso at mataas na uri ng pagmentina naman ang kailangan sa kasalukuyan partikular sa mga daanan ng mga turista lalo na sa main road.

Sapagkat ramdam na rin ngayon ang pagdami ng basurang itinatambak sa tabing kalye na naghihintay na makuha ng mga garbage truck, pero inaabot na ng alas otso ng umaga ay naroroon pa rin.

Ito ay kasunod din ng pagdagsa ng mga turista, at pagka-fully booked ng mga resort o hotel sa isla ng pumasok itong Chinese New Year.

Matatandaang inihayag ni Department of Tourist officer in charge sa Boracay Tim Ticar na halos puno na ng reservation at mga bisita ang mga resort dito.

Maliban sa basura, mabigat na trapik na rin ang mararanasan sa main road, dagdagan pa ng pahirapan sa pagsakay dahil sa punuan ang mga tricycle at ang iba naman ay inaarkila ng mga dayuhang turista.

Samantala, inaasahan pang magtutuloy-tuloy itong sitwasyon sa kalye lalo na at nalalapit na rin ang Mahal na Araw at summer season. #ecm022013

No comments:

Post a Comment