Pages

Monday, February 11, 2013

Pulis sa Boracay nababahala na sa mga suspek na paulit-ulit na nahuhuli


Dismayado ngayon ang Pulis Boracay sa pangyayari kaugnay sa mga nahuhuli nilang lumabag sa batas.

Sapagkat matapos ang pakikipaghabulan ng awtoridad sa mga krimenal at idaan sa masusing imbestigayon, ang mga biktima naman ay hindi nagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Kaya mistulang pabalik-balik lang din, na ang mga suspek ding iyon ang paulit-ulit na nahuhuli nila.

Dahil dito, nagpahayag ng kaniya pagkadismaya ang Deputy ng Boracay Tourist Assistance Center na si Police Insp. Fidel Gentallan.

Aniya, ang nangyayaring ganito na kapag nahuhuli umano ang mga suspek at naibalik ang mga natangay na gamit ng biktima ay hindi na nagsasampa pa ng kaso.

Kung saan karamihan umano sa mga biktima ay mga dayuhan, na hindi na interesadong magsampa ng kaso dahil babalik din agad sa kanilang mga lugar na pinagmulan.

Kaya pinapakawalan din ng Pulisya ang mga suspek.

Bunsod nito ay ang mga suspek din umanong ito ang nahuhuli nila sa mga operasyong ginagawa nila na siyang sangkot ulit sa pagnanakaw.

Dahil dito nababahala na rin ang awtoridad, sapagkat hindi nabibigyan ng hustisya ang biktima at hindi rin napapanagot ang mga salarin. #ecm022013

No comments:

Post a Comment