Pages

Monday, February 11, 2013

Mahigit 1000 runners, lumahok sa matagumpay na fun run sa Boracay kahapon


Labis ang pasasalamat ngayon ng Philippine National Red Cross o PNRC sa Boracay dahil sa matagumapay na Fun Run na isinagawa kahapon.

Sa panayam kay PNRC  Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Shoenenberger, sinabi nitong umabot sa isang libo at pitong daang katao umano ang nagparehistro para sa ika-lawang taong “Million Volunteer Run” ng Red Cross sa isla.

Mas marami ito kung ikukumpara noong nagdaang taon ng 2012 na mahigit 700 lamang.

Bagamat target umano sana nila ngayong taon ay nakapagtala ng magpaparehistrong isang libo at dalawang daang runners, masaya sila dahil nalampasan nila ang target na ito ngayon.

Kung saan sa mahigit 4 na oras na aktibidad, lampas isang libo naman umano sa mga nagparehistro na ito ang tumakbo.

Ikinatuwa din nito dahil, lahat ng runners kahapon ay natapos ang fun run na ligtas at kinaya ang init at pagod sa pagtakbo.

Samantala, ang nakoletang registration fee umano ng Red Cross sa Boracay ay mapupunta o hahatiin sa apat, na parehong tag- 25%.

Una ay sa PNRC National, Life Guard Services sa Boracay at Red Cross Youth o RCY Program.

Ang natitirang 25% naman ay mapupunta na gastos sa operasyon ng Chapter na ito at sa mga tumulong. #ecm022013

No comments:

Post a Comment