Paso na ang moratorium sa pagbibigay ng mga Permit to
Transport (PTT) sa lahat ng sasakyan na nais ipasok sa Boracay.
Ito ay kasabay ng pagpalit na rin ng taon, kung saan
epektibo lamang ito sa loob ng taong 2012.
Kaya mula sa pansamantalang hindi pag-iisyu ng permit to
transport sa lahat ng uri ng sasakyan ay puwede na ngayon.
Sa panayam kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, sinabi
nitong hindi na nila ipinapatupad pa ang moratorium sa ngayon.
Dahil hanggang noong katapusan ng Disyembre lamang ito ng
taong ito.
Bunsod nito mag-i-isyu nanaman ng Permit to Transport ang
lokal na pamahalaan ng Malay sa mga may-ari ng behikulong dadalhin papasok sa
Boracay.
Pero ayon kay SacapaƱo, dapat ay makompleto muna ng mga
aplikante ng PTT ang requirements na hinihingi ng LGU Malay.
Matatandaang, noong a-uno ng Hunyo ay ipinatupad ang pansamantalang
pagsuspende sa pag-isyu ng PTT sa Boracay.
Kung saan, naglalayong lahat ng mga illegal na sasakyan sa
isla o mga ipinuslit papasok ay mahuli at mabawasan na rin dahil sa masikip na
ang mga kalye sa Boracay. #ecm012012
No comments:
Post a Comment