Pages

Monday, November 19, 2012

Problema sa drainage, di pa masiguro kung tatanggapin ng TIEZA Regulatory Office sa Boracay

Nilinaw ng TIEZA na ang kanilang tanggapang ilalagay dito ay Boracay na nakatakdang buksan ay para sa operasyon ng BIWC lamang.

Ito ang inihayag ni Atty. Marites Alvares, Officer In-Charges ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Regulatory Office sa isla.

Kung saan ito aniyang tanggapan nila ay siyang magmonitor sa operasyon ng Boracay Island Water Company sa serbisyo ng tubig at sewerages system para masigurong napoprotektahan ang mga konsyumer. at kapaligiran dito.

Kaya para masigurong magkaroon ng maayos na relasyon ang TIEZA sa kumunidad ng Boracay at hindi nag-aabuso ang BIWC sa mga ito, nais ngayon ng ahensiyang na kumuha sila ng Quality and Customer Services Officer na nagmula mismo dito sa isla o kaya ay isang Aklanon para madaling malapitan ng kahit ordinaryong mamamayan kung may isusumbong man.

Aniya, ang taong ilalagay sa posisyong ito ay siyang magpapa-abot na rin ng problema nararanasan ng mga konsisyuner dito.

Pero nananatiling tanong parin sa ngayon, kung ang TIEZA Regulatory Office na ito ay handa na rin bang tumaggap ng mga reklamo kaugnay sa nararansang pagbabaha dito sa Boracay dahil sa problema sa drainage system. #ecm112012

No comments:

Post a Comment