Pages

Monday, November 19, 2012

Ordinansa sa pag-alalaga ng aso sa Boracay, hindi lubos na naintindihan --- Island Administrator

Wala sanang nahuhuling pagala-galang aso kung lubos nang naiintindihan ang ordinansang ipinapatupad sa Boracay kaugnay dito.

Ito ang buwelta ni Island Administrator Glenn SacapaƱo sa mga nag-aalaga ng aso na patuloy pa ring hinahayaan na gumala-gala sa kabila ng pagkakaroon ng batas na nagbabawal dito dahil sa maaaring problema sa madadala sa komunidad at sa industriya ng turismo ng Boracay.

Naniniwala si SacapaƱo na kapag rehistrado ang mga aso at nakatali ang mga iyon ay wala nang mahuhuli pa ang mga dog catcher.

Labis din umanong nagtataka ito dahil kapag hinuli ng hayop gaya nito na pagala-gala ay mayroong nangrereklamo.

Pero kung hahayaan na lamang di umano nila ito, binabato rin ang lokal na pamahalaan ng Malay ng kung anong kumento lalo na kapag makadisgrasya ito ng mga turista.

Inihayag din nito na mayroon namang dog pound sa Boracay sa Brgy. Manoc-manoc.

Pero hindi nito masabi ngayon kung may pondong inilaan para sa pagkain ng mga asong nahuhuli.

Samantala, bukas naman umano sila sa maaaring kaso na isampa laban sa mga dog catcher sa Boracay, lalo na kung may sapat naman na dahilan at may tumatayong saksi.

Maaalalang nitong nagdaang buwan ay naging sentro ng usaping ito ang dog catcher na si Junjun Mendoza makaraang ireklamo ito ng dalawa Swiss National sa di umano ay hindi nito pagpapakain, gayon din pagkatay at pagbenta pa nito sa mga asong hindi pa nakukuha ng may ari habang nasa posesyon nito. #ecm112012

No comments:

Post a Comment