Pages

Tuesday, November 20, 2012

Akelco, magtataas ulit ng singil ngayong Nobyembre

Aasahan na ang mataas na babayaran sa kuryente ngayong Nobyembre.

Dahil sa halos P0.22 ang idadagdag sa taripa ng Akelco.

Sa ginawang kumpirmasyon ni Rence Oczon, Public Information Officer ng Akelco, inihayag nito nasa P0.22 ang itaas kada kilowatt hour ngayong buwan.

Aniya, ang pagtaas na ito ay resulta ng pag-galaw din ng presyo ng enerhiyang binibili ng Akelco, partikular na sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Kung maaala, buwan ng Setyembre ay bumababa ang singil ng mahigit P1.00 kada kilowatt hour.

Pero dahil sa dalawang buwang sunod-sunod na pagtaas simula nitong Oktubre kung saan nagtaas din ng mahigit P0.60, at ang dagdag ngayong Nobyembre na P0.22, halos bawi na rin ang ibinaba noong nakaraang buwan.

Dahil dito, nagpaalala si Oczon sa mga konsyumer na maging responsable, at magtipid pa rin sa pag-gamit ng kuryente lalo na at magpa-Pasko na, kung saan inaasahan aniyang taas ang konsumo ng elektrisidad. #ecm112012

No comments:

Post a Comment